Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

Cauayan City Hall on Wheels: Una Ka Dito Caravan Launched at Barangay Naganacan

Matagumpay na inilungsad ang Cauayan City Hall on Wheels, Una Ka Dito Caravan nitong July 15 sa Barangay Naganacan upang dalhin at ilapit ang mga serbisyo ng City Government sa mga barangay.
Dinagsa ng mga taga Barangay Naganacan at ng mga sakop sa event na Barangay Pinoma at Nungnungan 1 ang Una Ka Dito Caravan sa Barangay Naganacan Community Center.
Maraming nag-avail ng services ng City Hall tulad ng libreng pagamot at gamot, libreng pa-dentista, libreng legal services, City ID at Scholarship Services at marami pang iba. Nagkaroon din ng mga palaro at mga papremyo na kinagiliwan ng lahat.
Kasabay nito ang paglungsad ng Padyak sa Kalusugan na pinangunahan ni Mayor JC sa pamamagitan ng pagbibisikleta papunta sa venue ng Una Ka Dito Caravan.
Ang Cauayan City Hall on Wheels Una Ka Dito Caravan ay gagawin tuwing araw ng Sabado sa mga iba’t- ibang barangay at ang susunod ay gagawin naman sa Barangay Villa Luna.
Kasama sa mga dumalos sa event na ito sina Mayor JC Dy kasama ng mga City Officials, all city Officials, LGU Personnel, Barangay Officials: Punong Barangay Renato G. Aquino (Naganacan) Punong Barangay Leopoldo (Nungnungan 1), at Punong Barangay Patrocino B. Balaan (Pinoma).
#cauayancity #proudcauayeño #unakaito #UKDCaravan #CauayanCityHallonWheels

Share this article:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email