Nag-host ang GAD FPS ng flag-raising ceremony nitong November 28, sa Cauayan City Hall Grounds. Ito ay dinaluhan ng LGU Cauayan, PNP, BFP, BJMP at ng City Officials kasama si Vice Mayor Leoncio A. Dalin, Jr. at ibang City Councilors.
Sa programa, binilang ni Ms. Maria Cristine Ordoñez, GAD Focal Point Person ang iba’t-ibang nakalinyang aktibidad sa pagtalima ng 18-Day Campaign Against Violence Against Women.
Hinimok naman ni City Councilor Cynthia Uy-Balayan, Chairperson of the Committee on Women, ang lahat ng mga kababaihan na magbantay sa lahat ng oras pagdating sa pag-eehersisyo ng kanilang karapatan bilang empowered women sa pagbabanggit ng lahat ng batas na ginawa para protektahan ang mga kababaihan.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito #vawfreephilippines