Nitong March 9, naglungsad ng unang school-based HPV immunization sa Cauayan South Central School na sinalihan ng mga Grade IV students, teachers at iba pang school personnel.
Ang nasabing activity ay pinagtulungan at pinamunuan ng tatlong City Health Offices sa tulong ng Isabela Provincial Health Office at Schools Division Office ng Cauayan City.
Kasama sa event na ito sina Mr. Albert Perico, Schools’ Prinicipal na sinundan ng introduction ng guest speaker na si Dr. Mary Chiles T. Cruz, FPOGS na nag-discuss tungkol sa HPV na pinaka-common na sanhi ng lahat ng cervical cancer sa mga kababaihan. Kung kaya’t kinakailangan ang vaccination against HPV ng mga batang babae upang mabawasan ang cancer risks nila sa pagtanda.
Ipinaliwanag naman ni Ms. Chamille Claravall, Provincial Immunization Coordinator ang kahalagahan ng DOH guidelines sa HPV immunization campaign na kung saan ang 2 doses ng HPV vaccine na may pagitan ng 6 months ay kailangang ma-kumpleto sa mga babaeng 9-14 taong gulang upang makamit ang full protection laban sa HPV.
Pagkatapos ng programa, nagkaroon ng ceremonial immunization ng mga Grade IV students na may permiso ng mga magulang na mabigyan sila ng HPV vaccine.
#HPVAwareness
#saakingpaglakiwalanghpv
#HealthyPilipinas
#proudcauayeño
#cauayancity