Nagpatawag ng pulong nitong Pebrero 1 sa Bamboo Hall ang Office of the Mayor sa pamamagitan ng Program Coordinator na si Mr. Jaylord dela Cruz. Kasama sa mga dumalo ang mga punong barangays at mga empleyado ng LGU. Doon ay tinalakay ang mga bagay-bagay tungkol sa pagpapatuloy ng Una Ka Dito Caravan matapos itong mahinto noong nakaraang taon dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Magsisimulang muli ang UKD Caravan sa Pebrero 3 sa Barangay Rizal.
Kasama sa mga serbisyong ihahatid ang mga sumusunod:
Medical Services, Social Services: Women’s Welfare Program, Children and Youth Welfare Program, Elderly Programs, Senior Citizens ID Card, City ID Card, Scholarship Program, Legal Services, Civil Registration, Job Employment, Estimation of Property Values, Tax Declaration and Assessors Certification, Seedling Distribution, Registration of New Business, Nutrition Program, Dissemination of Existing Ordinances and Resolutions, Free food, at iba pa…
𝗜𝘁𝗼 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗮 𝗞𝗮 𝗗𝗶𝘁𝗼 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻:
Pebrero 3 – Barangay Rizal
(Labinab, Buena Suerte, Culalabat, Sta Luciana at Rizal)
Pebrero 10 – Barangay Maligaya
(Disimuray, Baculod,Maligaya, Casalatan, Buyon, Cabugao, Sinippil)
Pebrero 24 – Barangay Guayabal
(Gagabutan, Duminit, Guayabal, Dabburab ,Baringin Sur, Baringin Norte)
Marso 2 – Barangay Villa Concepcion
(Villa Concepcion, Rogus, Villa Flor, Devera, Sta Maria)
Marso 9 – Barangay Minante II
(Marabulig 1, Marabulig 2, Minante I, Minante II, Nagrumbuan)
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #unakaditocaravan