Nitong July 22, masayang-masaya ang mga residente ng Barangay Villa Luna sa pagpunta ng Una Ka Dito Caravan, Cauayan City Hall on Wheels. Ito ang pangalawang Una Ka Dito Caravan na layuning bumisita sa mga barangay ng Cauayan upang ihatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga tao.
Kasama sa mga serbisyong ipinagkaloob sa caravan ay libreng medical checkups at libreng gamot, libreng dental services, social welfare services, assistance pang agrikultura, pag aayos ng mga dokumento at legal services, patungkol sa mga lupa at ari-arian, city ID at scholarship services, food services, recycling program, barangay monitoring sa pag implementa ng RA9003, maayos na pag gamit ng MRF (Materials Recovery Facility at marami ang iba.
Ang grupo naman nina Mayor JC Dy ay nagpromote ng “Padyak sa Kalusugan” sakay sa kanilang mga bisekleta papunta sa Una Ka Dito site sa Barangay Villa Luna Community Center.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito #unakaditocaravan #cauayancityhallonwheels