Nitong December 4 ay nagsimula nang magbigay ng pamaskong aginaldo ang pamunuan ni Mayor JC Dy. Bumisita si Mayor JC at city officials kasama sina Congressman Faustino “Inno” Dy at Board Members Arco Meris at Amador Gaffud, Jr. sa iba’t-ibang barangay sa Forest Region.
Doon sila namahagi ng mga grocery items na lubos na ikinatuwa ng lahat. At dahil ang Pasko ay para sa mga bata, nakatanggap din ang mga tsikiting ng pamaskong cash gifts.
Ang mga binisitang barangay ay ang mga sumusunod: Villaflor, Rogus, Devera, Villa Concepcion, Sta. Maria, Maligaya, Disimuray, at Baculod.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito #pamasko