18 - Day Campaign to End Violence Against Women 2022
Calendar of Activities November 25 - December 12, 2022
Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan!
Marami na ngang pag-aaral ang nagpakita ng maaaring epekto ng paggamit ng droga sa pagkakaroon ng sexual abuse at karahasan sa mga kababaihan at mga batang babae. Kaya naman, kasabay ng ating pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End VAW, ang Philippine Commission on Women ay nakikiisa rin sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagpapatuloy ng laban kontra droga para na rin sa kapakanan ng bawat Juana.
Inaanyayahan din namin ang lahat na makiisa sa kampanyang ito upang makamit natin ang ligtas na bansa para sa lahat. Bisitahin lamang ang DILG Philippines Facebook page para sa iba pang impormasyon tungkol dito.
Usapang Republic Act 9262 ngayong 18-Day Campaign to End VAW!
#AllAboutVAW: Usapang Republic Act 9262 ngayong 18-Day Campaign to End VAW! Ano nga ba itong Anti-Violence Against Women and Their Children Act? Ito ay batas na pumoprotekta sa mga karapatan ng kababaihan at kanilang anak laban sa pang-aabuso ng kanilang asawa, dating asawa, karelasyon, o dating karelasyon.
Alamin ang karapatan sa ilalim ng R.A. 9262: https://pcw.gov.ph/faq-republic-act-9262/
VAW Survivor Stories: AMBER
VAW Survivor Stories: AMBER
Bilang bahagi ng ika-20 taong anibersaryo ng 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW), inihahandog ng Philippine Commission on Women ang kwento ng mga kababaihang biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso.
Sa unang kwento, pakinggan kung paano nakabangon si Amber mula sa pang-aabusong naranasan sa loob ng sariling tahanan.
Paano nakatulong ang kanyang pamilya at ang pamahalaan sa paghahanap ng hustisya?
Panoorin ang video na maaari ring makita at ma-download sa #PCWDigitalGADLibrary: https://library.pcw.gov.ph/2022-vaw-survivor-stories/
WATCH: Australian Charge d'Affaires to the Philippines Richard Sisson
WATCH: Australian Charge d’Affaires to the Philippines Richard Sisson shares message of support for the country’s observance of the 2022 18-Day Campaign to End Violence Against Women.
Alamin kung ano nga ba ang Protection Order
#AllAboutVAW: Usapang Republic Act 9262 ngayong 18-Day Campaign to End VAW! Alamin kung ano nga ba ang Protection Order at iba’t-ibang uri nito (Barangay Protection Order, Temporary Protection Order, Permanent Protection Order)!
Basahin ang karapatan sa ilalim ng R.A. 9262: https://pcw.gov.ph/faq-republic-act-9262/