Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

2024 STATE OF THE CITY ADDRESS OF MAYOR CAESAR “JAYCEE” S. DY JR.ISABELA CONVENTION CENTER

Iniulat ni Mayor Jaycee Dy ang annual accomplishments, future plans at programs ng kaniyang administrasyon sa kaniyang State of the City Address. Ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang sektor ng lipunan kabilang ang barangay officials, Civil Society Organizations (CSO), Non-Government Organizations (NGO), Business Sector, Academe, Judiciary, Government Agencies, Media, at marami pang iba.
Maganda ang naging pagtanggap at pinalakpakan ang kaniyang ulat na nagpakita ng pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na mas itaas na antas ng serbisyo sa mga tao bilang Innovative City of the Nation. Ilang ulit ding binanggit ni Mayor Jaycee ang kanilang mga proyekto at programang batay sa prinsipyo ng “Una Ka Dito”, na nagbibigay halaga sa bawat tao anumang sektor sila kasali.
Isa pang tampok pagkatapos ng SOCA ay ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU at Palafox Associates para sa Urban Planning Development ng Cauayan City. Iniharap din Architect Felino A. Palafox, Jr. ang mga plano upang mapaganda ang buhay sa lungsod at pangitain na maging first world city ang Cauayan sa malapit na hinaharap.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito

Share this article:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *