Umarangkadang muli ang Cauayan City Hall on Wheels nitong Agosto 3 sa Barangay Buena Suerte sa pamumuno ni Kap. Dennis Dela Cruz. Kasali din sa mga naserbisyuhan na lugar ang mga sumusunod na barangay: Labinab, Culalabat, Rizal, Sta Luciana.
Ang UKD Caravan, City Hall on Wheels ay programa ni Mayor Jaycee Dy at ng gobyerno ng Cauayan. Layunin niito na ilapit sa mga Cauayeños ang mga serbisyo na kailangan ng lahat.
Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:
Health Services: libreng medical at dental checkup at libreng gamot
Social Services: Free Legal Consultation, Employment Referrals and Placement, Processing of Business Permits and Licences, Distribution of Agricultural input Products, Processing of City ID, PWD ID, Senior Citizens’ ID, Real Properties Assessment, Registration of Birth and Marriages, Dissemination of Local Ordinances, Pabahay Program, PNP’s OPLAN Visa, at marami pang iba.
Sa nasabing UKD Caravan ay nabigyan din ng P10,000 na cheke si Gng. Anacleta Agcaoili, 90 anyos na taga Barangay Buena Surte bilang bahagi ng Centenarian Assistance Program. Nabigyan din ng assistive device (wheel chair) si G. Rolando Barangan, Sr. na tinanggap ng kaniyang ina na si Gng. Lecena Ancheta.
Namahagi din ang City Agriculture Office ng vegetable seedlings at discount fuel coupons sa mga kwalipikadong farmer-beneficiaries.
Noong umagang iyon, namisikletang muli papaunta sa UKD Caravan ang ating City Officials sa pamumuno ni Mayor Jaycee Dy upang i-promote ang Padyak sa Kalusugan.
Sa kabuuan, ang 2nd round ng UKD Caravan ay naging matagumpay sa dami ng rumesponde na tao sa mga barangay.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito