Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

33RD PCCI NORTH LUZON AREA BUSINESS CONFERENCE OFFICIALLY LAUNCHED

Nitong Hunyo 3 ay inilungsad sa Bamboo Hall ng Cauayan City Hall ang 33rd PCCI North Luzon Area Business Conference. Ito ang simula ng pakikpagtulungan ng Cauayan City Government at ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Ang 33rd NLABC ay ang pinakamahalagang event ng PCCI sa North Luzon at magsisilbing makabuluhang pagtitipon ng mga national at local government officials, prominenteng negosyante, lider at opisyal sa negosyo, samahan ng industriya, akademya at mga stakeholders.
Nagkaroon din ng pirmahan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PCCI at LGU Cauayan para sa paparating na 33rd PICC NLABC kung saan napili ang Cauayan na maging host city.
Ayon kay Atty. Cayanan, Area Vice President ng PCCI North Luzon, napili nila ang Cauayan City dahil sa suportang ibinigay ng mga opisyal sa Probinsya ng Isabela at Cauayan at dahil malaki ang potensyal nito na maging sentro ng negosyo ito sa rehiyon.
Pagkatapos ay nagkaroon ng presscon kasama ang mga lokal na miyembro ng media.
Kabilang sa mga bisitang pandangal ang sumusunod:
Mayor Jaycee Dy
Atty. Maria Amalia Tiglao-Cayanan – Area Vice President PCCI North Luzon
Mr. Carlo A. Castillo – President PCCI Isabela
Mr. Jose Avelino C. Diaz – President PCCI Ilagan City
Mr. Markson Louie S. Tan – President PCCI Southern Isabela
Mr. Gary Ka Hong U. Chong – Regional Governor PCCI Region Ii
Ms. Shynnedilson C. Arao – DTI Provincial Representative
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito

Share this article:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email