Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

3rd Una Ka Dito Caravan Held at Barangay Faustino

Nitong Sabado, July 29, nagpunta sa Barangay Faustino ang Una Ka Dito Caravan para maghatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga Barangay Faustino, Barangay San Francisco at Barangay San Antonio sa pamamagitan ng Cauayan City Hall on Wheels.
Kasama sa mga serbisyong ipinagkaloob sa caravan ay libreng medical checkups, libreng gamot, libreng dental services, social welfare services, assistance pang agrikultura, pag aayos ng mga dokumento at legal services, patungkol sa mga lupa at ari-arian, city ID at scholarship services, food services, recycling program, barangay monitoring sa pag implementa ng RA9003, maayos na pag gamit ng MRF (Materials Recovery Facility at marami pang iba.
Tulad ng mga nakaraang Sabado, ang grupo ni Mayor JC Dy ay nagpromote ng “Padyak sa Kalusugan” sakay sa kanilang mga bisikleta papunta sa Una Ka Dito site sa Barangay Faustino.
#unakadito #cauayancity #proudcauayeño #unakaditocaravan #cauayancityhallonwheels

Share this article:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email