Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

47TH CITY DEVELOPMENT COUNCIL MEETING HELD

Nitong Hunyo 5, ginawa ang 47th City Development Council Meeting sa Iconic Hotel sa San Fermin, Cauayan.
Pinangunahan ni Mayor Jaycee Dy ang meeting sa iba’t ibang sektor at grupo na dumalo. Ang meeting ay mga presentation ng nagawang projects at programa pati na rin ang mga iminumungkahing projects na ipatutupad sa susunod na taon.
Si Engr. Juanito D. Mallillin, Jr. ang unang nag-ulat ng Proposed Priority Projects para sa CY 2025 at sinundan ni Ms. Maria Christine Ordonez na nag-ulat ng mga aktibidad ng Gender and Development at GAD data-based accomplishments. Si Mr. Ronald D. Viloria, CDRRMO ay nag-ulat ng kaniyang mga plano at aksyon ng kanyang tanggapan ang DRRMO. Si Mr. Jonathan Galutera ng Person with Disablities Affairs Office (PDAO) ay nag-ulat din sa kanilang mga programa. Sa parehong meeting, si Mrs. Lakambini Cayaba ay nagbigay din ng updates sa DILG Memorandum Circulars.
Kabilang sa mga dumalo sa meeting ang ating LGU officials at employees, government line agencies, civil society groups (CSO), non-government employees at mga punong barangay.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito

Share this article:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email