Nagkaroon ng inauguration at press conference ang “Pueblo de Cauayan” ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program nitong Mayo 23 sa Boulevard Town Square sa Barangay San Fermin, Cauayan City.
Ang “Pueblo de Cauayan” na proyekto ng Ropali Land at Ropali Group of Companies ay isang condominum-type building para sa mga Isabeleños na walang bahay. Ito ang sagot sa flagship program ni President Bongbong Marcos na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program o 4PH Program. Ang inagurasyon ay dinahulan ng mga opisyal ng Ropali Group of Companies, mga opisyal ng Department of Human Settlements at Urban Development at mga opisyal ng Cauayan LGU.
Pagkatapos nito, nagkaroon ng MOA signing para sa 4PH Program sa mga bahay ng provider sa Barangay Nungnungan 2.
Kabilang sa mga bisitang pandangal ang sumusunod:
Mula sa Ropali Group of Companies:
Mr. Robert P. Alingog
Mr. Aldous Rex Alingog
Mula sa DSHUD:
Hon. Randy B. Escolango, DHSUD Undersecretary
Hon. Daryll Bryan L. Villanueva, DHSUD Assistant Secretary
OIC Regional Director Grace A. Devera
Engr. Carmelita Pagulayan
Mula sa City Government:
Mayor Jaycee Dy at ilang City Officials
Board Member Victor G. Dy
Board Member Arco Meris
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito