Ang Isabela ang siyang “City of Charm” ng Pilipinas ngayong taon sa Ika-10 China-ASEAN Exposition (CAExpo). Kaugnay nito, kinapanayam ng Serbisyo Filipino si Bernard Faustino M. Dy, Alkalde ng Cauayan, Isabela. Aniya, ang Isabela ang rice at corn granary ng Pilipinas, at hindi lang nito ipinoprodyus ang bigas na kinokonsumo ng Pilipinas, kundi ito rin ang pinanggagalingan ng bigas na iniluluwas sa ibang bansa, bukod pa riyan, sinabi rin ni Dy, na malaki ang potensyal sa turismo ng Isabela. Aniya pa, tulad ng katimugan ng Pilipinas, maraming napakagagandang destinasyong panturismo ang Isabela, pero, di-tulad sa timog, ang Isabela ay may mga “virgin” at di-pa nadedebelop na destinasyong panturista. Isa aniya ito sa mga atraksyong inaalok ng Isabela sa lahat ng gustong maglagak ng puhunan dito.