Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

Cauayan City Heritage Museum Ground Breaking Ceremony

Isang makasaysayang araw para sa Cauayan City ang ground breaking ceremony ng Heritage Museum ng Lola’s Store Building na ginawa nitong Marso 18 sa City Hall grounds.
Ipinaabot ni Mayor JC Dy ang kaniyang pasasalamat sa mga opisyal ng DOT at DTI sa pagkilala nila sa isang daang taong gusali bilang Official Heritage Museum. Ang Lola’s Store Building ay matatagpuan sa Quezon at Rizal Ave. Ext. Road. malapit sa City Hall.
Kabilang sa mga bisitang pandangal sina Dr. Alexander G. Miano, Regional Director ng Department of Tourism, at Leah Pulido Ocampo, Regional Director ng Department of Trade and Industry.
Pagkatapos ng seremonya ay nagkaroon ng program na nagpakita ng ilang mga kanta at katutubong sayaw. Kabilang dito nagkaroon din ng Creative Nights na ginanap sa F.L. Dy Coliseum.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño

Share this article:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email