Napili ng Department of Information and Communications Technology ang Cauayan bilang una o pilot city para sa implementasyon ng Electronic Local Government (eLGU) System. Nagsagawa ang DICT ng E-LGU Training sa processing ng system para sa ilang LGU Employees nitong Mayo 20-24.
Ang Cauayan City ang unang nagpatupad ng E-LGU sa rehiyon para sa online application ng mga business permit bilang bahagi ng Ease of Doing Business Act.
Sa closing program, nagpasalamat si Mayor Jaycee Dy sa DICT. Humanga siya sa eLGU System at nagpahayag ng kanyang suporta sa paggamit nito sa Cauayan dahil nakahanay ito sa digitalization program ng lungsod.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito