Matagumpay na inilungsad nitong Pebrero 3 ang Cauayan City Una Ka Dito City Hall on Wheels, upang muling maghatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan. Kasabay nito ang Padyak sa Kalusugan na pinangunahan ni Mayor JC sa pamamagitan ng pagbibisikleta papunta sa venue.
Humigit kumulang 500 na taga Barangay Rizal, Labinab, Buena Suerte, Culalabat at Sta. Luciana ang nagtungo sa Barangay Rizal Community Center para sa libreng pagamot at gamot, libreng pa-dentista, libreng legal services, City ID at Scholarship Services, libreng gupit at marami pang iba. Bukod sa mga ito namigay din si Mayor JC Dy ng wheelchair at mga seedlings.
Ang Cauayan Una Ka Dito City Hall on Wheels muling gagawin tuwing araw ng Sabado sa iba’t- ibang barangay. Ang susunod ay sa Pebrero 10 sa Barangay Maligaya.
Kasama sa mga dumalo sa event na ito sina Mayor JC Dy kasama ng mga City Officials at mga opisyal ng Barangay Rizal.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito #UKDCaravan #CauayanCityHallonWheels