Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

CAVRAA and RSPC Hold Victory and Thanksgiving Program

Kinilala ang namukod-tanging atleta at mga coach na sumali sa nakalipas na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) nitong Mayo 8 sa F.L. Dy Coliseum
Ipinaabot ni Mayor JC Dy sa mga atleta at coach ang kaniyang pasasalamat para sa mahusay na performance ng Team Cauayan na patuloy na gumaganda ang CAVRAA standing kada taon.
Sa kabuuan, nakamit ng Cauayan City ang 36 gold, 33 silver at 27 bronze medals sa iba’t-ibang athletic events.
Gaya ng naipangako, ang bawat medalist ay tumanggap ng kanilang cash incentives na sumusunod: Gold Medalist: P10,000 each, Silver Medalist: P7, 000, Bronze Medalist P5,000 at P2,500 PESOS sa lahat ng coaches para sa total na P1,260,000. Bukod dito, nagbigay din si Congressman Faustino “Inno: Dy ng P2,000 sa bawat medalist.
Samantala, kinilala rin ang mga estudyante ng Cauayan students na nag-perform sa Regional School Press Conference (RSPC) at binigyan ng gantimpala mula P1000 hanggang P5000 para sa total na P106,000 cash incentives.
Kabilang sa mga bisitang pandangal sa thanksgiving program sina Mayor JC Dy at iba pang City Officials, at DepEd – Cauayan City Officials sa pamumuno ni Dr. Cherry S. Ramos, Schools Division Superintendent.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito #teamJCDy #serbisyonglagingreaDY