Pinarangalan ng presensya ni Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 1st Consultative Meeting ng Liga ng Mga Barangay-Isabela Chapter. Ito ay ginawa nitong Mayo 5 sa Isabela Convention Center.
Sa kanyang pagbisita, nilatag ni Sec. Abalos ang ilan sa mga initiative programs at projects ng kanyang department. Kabilang dito ang BIDA or Buhay Ingatan, Droga ay Iwasan, ang HAPAG or Halina Magtanim ng Prutas at Gulay at iba pang programa. Nabanggit rin niya ang Kadiwa Programs para sa lahat ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Kasama sa General Assembly ang ating Barangay Officials, City and Municipal Officials of Isabela at DILG Officials.
Kabilang sa mga bisitang pandangal ang mga sumusnod:
DILG Seceratry Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr
DILG RO2 – Regional Director Agnes A De Leon, CESO IV
Hon. Ma. Kristina Jessica G. Dy- Liga ng mga Barangay – National President
Provincial Officials: Gov. Rodolfo C. Albano III
Vice Gov. Faustino G. Dy III
Hon. Faustino Kiko A. Dy- Isabela Mayor’s League President
City Officials: Mayor JC Dy at iba pang Local Chief Executives ng Probinsiya
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito