Nitong Abril 23, himigit kumulang na 6,000 na mag-aaral sa kolehiyo ng Cauayan ang tumanggap ng P3,000 bawat isa mula kay Congressman Faustino “Inno” Dy V. Ang Educational Assistance Payout ay ginawa sa Barangay Mabantad, Barangay Minante I, at F.L. Dy Coliseum. Kasama ni Cong. Dy sa payout si Mayor JC Dy, Board Members Arco Meris at Amador Gaffud Jr. at iba pang city officials.
Sa kanilang mga mensahe sa mga estudyante, hinkayat ni Mayor JC na tapusin nila ang kanilang pagaaral dahil maraming trabaho ang naghihintay sa kanila. Lalung-lalo na dahil ang unang BPO Center na Everise Philippines ay naririto mismo sa Cauayan. Hinimok naman ni Cong. Inno ang mga graduating students na mag-aral ng medisina sa Isabela State University dahil ang kanyang tanggapan ay nag-aalok ng full scholarhip program.
Noong araw din na iyon sa Barangay District 1, nagsagawa ng Tupad Payout para sa mga manggagawang nangangailangan ng tulong. Ang payout na ginawa sa tulong ng DSWD ay pinuntahan din ng grupo ni Cong. Inno.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito