Nitong Abril 30 ginawa ang ceremonial graduation para sa 111 na miyembro ng 4PS (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) mula sa 16 na Barangay ng Forest Region na naging benepisyaryo ng programa.
Ang graduation ay ginawa sa Villa Concepcion Community Center at dinaluhan ng 4Ps member graduates at mga tauhan ng CSWD sa pamumuno ni Mrs. Rodalyn Ancheta.
Pinangunahan ni DSWD Regional Director Lucia S. Allan at Mayor JC Dy ang graduation ceremony. Tumayo bilang witness ang mga Barangay Officials ng Villa Concepcion sa pamumuno ni Kap. Homer Dela Cruz.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito