Enero 6: City Hall Grounds
Isinagawa ang unang flag raising ceremony ng 2025 na hosted ng Legislative Office sa ilalim ni Vice Mayor Leoncio Dalin Jr.
Puno ng saya at sorpresa ang inihandang programa ng legislative staff na lubos na ikinasaya ng mga dumalo na opisyal at empleyado ng Pamahalaang Lungsod.
Dahil unang araw ito ng dress code kung saan lahat ng empleyado ay kailangang magsuot ng Asean-inspired attire kada Lunes alinsunod sa direktiba ng Civil Service Commission, naging mas makulay ang programa nang piliin ang mga nakasuot ng Best Asean Attire.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño