Pinangasiwaan ng GAD Focal Point System nitong Marso 4 ang Flag Raising Ceremony kaugnay sa National Women’s Month celebration. Ito ay dinaluhan ng LGU Cauayan Family at ng Cauayan City Green Ladies Organization.
Isa sa mga tagapagsalita si City Councilor Cynthia Uy, Chairman ng Committee on Women. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat siya sa suporta ng city government sa programa ng mga kababaihan at ang pagkilala sa kakayahan o women empowerment sa mga kapwa nya kababaihan.
Highlights ng programa ang mga sumusunod:
– Ang paghayag ng month-long activity nitong buwan ng Marso na ginawa ni Ms. Maria Cristine C. Ordoñez, GFPS TWG Focal Person.
– Ang distribution ng iba’t-ibang vegetable seeds at timbangan bilang panimula sa gagawing livelihood projects ng nga miyembro ng Cauayan City Green Ladies ORG.
– Ang pagprisinta ng naigawad na parangal na Seal of Child Friendly Local Governance sa lungsod ng Cauayan.
– At ang pagbibigay ng commendation sa mga members ng POSD na sina Rene Q. Acoba, Michael G. Alexander, John Philip C. Mallillin, Jephre A. Gammad, Ericson D. Escaño at Jerry A. Rafael. Sila ang matagumpay na naka aresto sa mga suspects sa kasong carnapping sa lungsod ng Cauayan.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #nationalwomensmonth