Nagkaroon ng committee hearing nitong Enero 15 sa F.L. Dy Coliseum para talakayin ang appointment ng barangay health workers sa Cauayan. Si Ms. Lulu Dela Cruz na point person ng health workers ang nagpaliwanag tungkol sa nilalaman ng Republic Act 7883 o Barangay Health Workers Benefits and Incentives Act of 1995.
Kasama sa mga dumalo ang ating mga barangay health workers, barangay captains, barangay secretary at barangay treasurers.
Si Mayor JC na nagsalita sa hearing ay nag request sa mga barangay officials na sundin ang “standard regulations of establishment of business structures” sa kani-kanilang mga barangay pati na rin ang pagbabayad sa mga kaukulang fees at charges.
Kabilang sa mga bisitang pandangal sina:
Mayor JC Dy
City Council Headed by Vice Mayor Leoncio Dalin , Jr.
City Health Office Personnel
Ms. Lulu Dela Cruz, Focal Point Person of Barangay Health Workers sa Probinsiya ng Isabela
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito