Nagsagawa ng indev training/workshop para makapag-istratehiya ng mga plano (ROADMAP) para sa paglago ng negosyo at mabuting pamamahala sa ICON nitong Mayo 16.
Ito ay dinaluhan ng mga sumusunod na departments: LGU CAUAYAN CITY, DICT, DOST, TESDA, PNP, WATER DISTRICT, ACADEME, TELECOM COMPANIES at CSOs.
Sa workshop hinati ang mga lumahok sa tatlong grupo kung saan sila at kanilang tanggapan ay kasali: 1) Talent, 2) Infrastructure, 3) Business Environment. Iprinisinta at pinagusapan ang mga output pagkatapos. Nagpahayag ng kanilang suporta sa Cauayan City ICT Council (na ngayon ay miyembro na ng reorganized CCICT Council) ang lahat sa pamamagitan ng pag-pirma sa Pledge of Commitment Board.
Kabilang sa mga bisitang pandangal ang sumusunod:
Engr. Pinky Jimenez, Regional Director-DICT 02
Dir. Jhino Ilano, Asst. Bureau Director-IIDB
Mr. Cirilo Gazzingan, Jr., DICT Isabela Provincial Director
Ms. Johanna Tulauan, IIDB Region II Focal
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito