Inilungsad nitong Pebrero 12 sa COOP store ng Cauayan City Multi-Purpose Cooperative Store ang Kadiwa ng Pangulo: Ani at Kita ng mga Magsasaka.
Dito ay mabibili sa murang presyo ang mga panindang gulay at iba pang mga produkto ng ating mga magsasaka. Dumalo sa launching ang mga City Officials na pinangunahan ni Vice Mayor Leoncio Dalin, Jr. na nag-ribbon cutting kasama si Gng. Lakambini Cayaba, City Local Government Operations Officer.
Nagpahayag ng suporta ang lokal na pamahalaan sa proyektong ito sa pamamagitan ni City Councilor Rufino Arcega, Agriculture Sectoral Representative.
Nagpasalamat naman si Gng. Sylvia Domingo, Chief Executive Officer ng Cauayan City Multi-purpose Cooperative sa tiwalang ipinagkaloob ng City Agriculture Office na pinamumunuan ni Engr. Ricardo Alonzo na pamahalaan ang “Bagong Pilipinas, Kadiwa ng Pangulo”.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño