Nagkaroon ng consultative meeting ang LGU Cauayan sa Palafox Associates patungkol sa Comprehensive Land Use Plan, Disaster Risk Reduction and Management Plan at Land Shelter Plan ng Cauayan City para sa epektibong urban planning.
Mahalaga ang “urban planning” o pagplaplano ng lungsod dahil layunin nitong solusyunan ang mga mga problemang nauugnay sa ating lungsod tulad ng pagbaha, trapik at pagsikip ng kapaligiran. Layunin din nito na gawing first class city ang Cauayan City ng taong 2030.
Ang Palafox Associates ay pinamumunuan ng arkitekto at urban planner na si Architect Felino “Jun” A. Palafox, Jr. na kilala sa buong mundo. Ang kumpanyang ito ay nakapagsagawa na ng higit 900 na iba’t-ibang mga proyekto sa 38 na bansa. Si Mr. Palafox ay may mahigit na 50 taong ng karanasan sa arkitektura at pagpaplano.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #urbanplanning