Nagsagawa ng capability enhancement training ang People’s Law Enforcement Board (PLEB) nitong Setyembre 5 sa SP Session Hall. Layunin ng pagsasanay na i-update ang mga miyembro ng PLEB sa mga proseso o pamamaraan sa paghawak ng mga kasong administratibo laban sa mga unipormadong tauhan ng PNP na inilagak sa kanilang tanggapan.
Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng PLEB ng 6th District of Isabela municipalities tulad ng Echague, San Isidro, San Guillermo at Cauayan.
Kabilang sa mga dumalo ang sumusunod:
Police Inspector III Christopher G. Binoya – Chief, Inspection Section Province of Isabela
Atty. Leilanie P. Vecina, DPA – Assistant Regional Director Napolcom
Atty. Ramse A. Tumamao – Attorney V. Summary Hearing Officer
at City Officials ng Cauayan City
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito