Setyembre 4: Bamboo Hall
Nagkaroon ng post disaster assessment sa Bagyong Enteng ang Incident Management Team na iniulat sa council na pinamumunuan ni Mayor Jaycee Dy.
Sa kabuuan, walang matinding nasira na mga infrastructure at kaunting pagbaha lamang ang naranasan ayon kay City Disaster Reduction and Management Officer, Mr. Ronald Viloria.
Ayon naman sa ulat ng City Agriculture at Veterinary Office, ang naapektuhan lamang ay ang mga agricultural crops at mga malalaking baka na nawawala.
Nag ulat din ang Bureau of Fire Protection sa sunog na naganap sa Ace Plastic Center sa Barangay Tagaran kung saan 13 fire trucks mula sa firetruck volunteers at BFP Cauayan
ang rumesponde.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #bagyongenteng