Nitong Disyembre 12, nag organisa ang RGADC2 ng Regional Conference on Gender Based Violence sa Convention Center, Capitol Grounds, Bayombong, Nueva Vizcaya kung saan ang Nueva Vizcaya State University ang nag-host.
Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng iba’- ibang ahensiya mula sa Region 2. Tinalakay ng panauhing tagapagsalita na si DOST Undersecretary Mabborang ang paksang “Strengthening Regional Efforts In Addressing The Silent Pandemic”. Kaugnay ito sa kampanya upang wakasan ang Violence Against Women and their Children.
Sa conference na ito, nakamit naman ng GADFPS ng LGU Cauayan City ang mga sumusunod na awards:
1. Champion – Best Agency that Addresses VAWC
2. Champion – Best PPA in addressing VAWC
3. Champion – Best Orange Exhibit Booth
4. 2nd Place – Best Macho Singing Group Extraordinaire
Kabilang sa mga bisitang pandangal na dumalo sina:
DOST Undersecretary Engr. Sancho A. Mabborang
DOST RD Virginia Bilgera
NV – Board Member Eunice G. Gambo
NVSU President Dr. Wilfredo A. Dumale, Jr.
RGAD RLC Director Dr. Jhamie Tetz I. Mateo
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #VAWC