Pinangunahan ni Mayor Jaycee DY ang ating city officials sa relief operations sa iba’t-ibang barangay na naapektuhan ng Bagyong Kristine. Kabilang dito ang Barangay Turayong, Labinab, Guayabal, Gagabutan, Villaluna at iba pa. Ang pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ay bahagi ng assistance ng pamahalaang lungsod. Bago nito, nag-ready na ng mga bag ng relief goods ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office bilang preparasyon sa pagbibigay tulong sa mga maapektuhan ng bagyo.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #bagyongkristine