Tumanggap ang ating Rice Farmers ng Financial Assistance (RFFA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para sa taong 2023 nitong Abril 15 at 16 sa F.L. Dy Coliseum.
Pinangunahan ni Congressman Faustino “Inno” A. Dy, V ang pamamahagi ng Financial Assistance sa 3,619 na rice farmers ng Cauayan kasama ng mga City Officials na pinangungunahan ni Mayor Caesar “JC” Dy Jr. Ang bawat isa ay tumanggap ng P5,000 Pesos. Kasama sa distribution ang Department of Agriculture para suportahan ang mga magsasaka sa kanilang mga pangagailangan sa pagsaka.
Kabilang sa mga bisitang pandangal sina Congressman “Inno” Dy, Dr. Marvin L. Luis, Regional Rice Focal Person ng Department Of Agriculture at ating mga city officials.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito #RFFA #RCEF