Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

SAN MIGUEL CORP. MAKIKIPAGTULUNGAN SA PAGTATAYO NG CORE URBAN CENTER SA CAUAYAN CITY

Pormal ng napirmahan ang kasunduan sa pagitan ng LGU-Cauayan, sa pamumuno ni Mayor Bernard Faustino Dy, at ng San Miguel Corporation (SMC) sa pamumuno ni Mr. Ramon S. Ang, para sa donasyon ng 50 hectares na lupain sa Barangay San Luis na pagmamay-ari ng SMC na siyang gagamitin sa pagpapatayo ng Cauayan City Urban Center.

Ang Urban Center ang siyang magiging bagong lokasyon ng Cauayan City Hall, Legislative Office at ng iba pang regional offices alinsunod sa Urban Development Program ng LGU sa bahagi ng East Tabacal Region. Makakatulong din ang bagong Urban Center upang masolusyonan ang sikip at bigat ng trapiko sa Poblacion.

Maraming salamat po, Mr. Ramon Ang at sa buong San Miguel Corporation sa tulong po ninyo para sa mga mamamayan ng lungsod ng Cauayan!