Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

Serbisyong Una ka Dito (Cityhall on Wheels) Barangay Mabantad

Nitong nakaraang Sabado, Marso 16, binisita ng Una Ka Dito Caravan, Cauayan City Hall on Wheels ang Barangay Mabantad, ang huling barangay sa unang round ng Una Ka Dito Caravan ngayong 2024.
Kasamang dumalo sa Barangay Mabantad Community Center para sa UKD Caravan ang Cauayan LGU Family at si Mayor JC Dy na muling naghatid ng libreng serbisyo ng gobyerno sa taong bayan. Kabilang dito ang libreng medical at dental services, legal services, social services, pamamahagi ng seeds/seedlings ng agri office, at marami pang iba.
Nagbigay din ang UKD Caravan ng mga wheelchair kay Teresita Rumbaoa ng Barangay Carabatan Punta at Severina Madayag ng Barangay Villa Concepcion. Nabigyan rin ng tungkod s Fiidel Palaginto ng Barangay Carabatan Chica.
Sa kabuuan, 1,275 na tao ang nabigyan ng serbisyo.
Kasama din sa umattend ang mga tauhan ng DOH Provincial Office na kinakatawan ni Dr. Arlyn Lazaro, Dr. Elsie Pintucan, at Dr. Almira Lazaro Reyes, Chief of Hospital IPHO- Isabela, at Atty. Gil Viloria, District Attorney – PAO Cauayan na nag-aassist sa LAB for All Program ni First Lady Atty. Liza Araneta-Marcos.
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito #unakaditocaravan #cauayancityhallonwheels

Share this article:

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email