Ginawaran ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2, sa koordinasyon ng LGU-PESO OFFICE, ng livelihood packages na nagkakahalagang P20,000 ang 32 na maliliit na negosyo sa Cauayan. Kabilang dito ang vulcanizing shops, sari-sari store owner, street foods vendors, canteen-resto owners at may-ari ng mga bigasan.
Ang tulong na ito ay ginawad ng DOLE nitong Enero 4, 2024 sa F.L. Dy Coliseum sa mga napiling qualified beneficiaries upang suportahan ang kani-kanilang mga negosyo at mapagaan ang kanilang pamumuhay.
Lubos na nagpasalamat ang mga nakatanggap ng livelihood packages at nangakong palalaguin nila ang kanilang mga negosyo.
Kasama sa mga bisitang pandangal na dumalo sa programa sina:
City Vice Mayor Leoncio A. Dalin Jr.
City Councilor Edgar A. Atienza Jr.
Mr. Fructoso Agustin, Senior LED, Dole Region 2
Mr. Danstan Bautista Jr, Leo II, Dole-Ifo
Atty. Divine Gonzales, Peso Manager- Cauayan
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #DOLE #livelihoodpackage