September 10, Luneta Grandstand
Umattend po tayo ng turnover ceremony ng mga ambulansiya para sa mga LGUs mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office ngayong araw.
Ang programa ay nagsimula ng ala-siyete ng umaga kung saan binendisyunan ang mga sasakyan. Ito ay dinaluhan ng bisitang pandangal na si Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Romualdez Marcos. Pagkatapos ng mensahe ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles, nagkaroon siya ng photo op kasama ng Presidente kasama ng symbolic key ng sasakyan sa limang LGU executives mula sa CAR, Region 2, 3, 4, at 5:
Mayor Shamir M. Bulut, Municipality of Calanasan, Apayao (CAR)
Mayor Caesar Dy, Jr. Cauayan City, Isabela (Region 2)
Mayor Josell Vistan, Municipality of Plaridel, Bulacan (Region 3)
Mayor Dahlia A. Loyola, Municipality of Carmona, Cavite (Region 4)
Mayor John Vincent B. Fuenteealla, Municipality of Sagñay, Camarines Sur (Region 5)
Nagbigay ng mensahe ang Pangulo sa programa. Ito ay sinundan ng isa pang photo op kasama ng PCSO Board of Directors at mga Mayor ng LGUs.
Nais kong magpasalamat sa PCSO at kay President Bong Bong Marcos, at isa ang Cauayan City sa napili sa allocation ng ambulansiya na kinakailangan ng ating lungsod.
#cauayancity #unakadito #serbisyonglagingready #teamJCDy #proudcauayeño