Nag-courtesy visit kay Mayor JC Dy nitong nakaraang Abril 30 ang mga kinatawan ng U.N. World Health Programme upang isulong ang kanilang School Feeding Program 2027 at Walang Gutom Program para sa City of Cauayan. Ang mga programang ito na gagawin in partnership sa LGU, ISU at DepEd Cauayan ay ipapatupad upang tulungan ang mga mag-aaral sa kanilang nutritional health sa pamamagitan ng masustansiya at mainit na pagkain. Ang unang napiling paaralan para dito ay ang Cauayan North Central School.
Nagpahayag na ang City of Cauayan ng full technical support para sa programang ito. Bukod sa City of Cauayan, ang programang ito ay ipapatupad rin sa Isabela State University- Angadanan.
Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ang mga sumusunod:
UN World Food Program Coordinators: Mr. Giorgi Dolidze and Mr. Dipayan Bhattacharyya
LGU Cauayan:
– Mayor JC Dy
– City Administrator Czarah S. Dy
– Atty. Reina Santos, City Information & Communications Technology Office
– Mrs. Sylvia Domingo, City Cooperative Officer
– Dr. Precy Delima, Executive Officer of Isabela State University – Cauayan
Campus at DepEd Cauayan Officials
#cauayancity #proudcauayeño #unakadito