Nitong Agosto 31, nagtungo ang Cauayan City Hall On Wheels, Una Ka Dito Caravan
sa Community Center ng Barangay San Antonio upang maghatid ng mga libreng serbisyo ng gobyerno sa mga naninirahan doon at sa mga barangay ng San Francisco at Faustino.
Bagamat hindi nakadalo ng personal kasama ng ating city officials ang ating Punong Lungsod na si Mayor Jaycee Dy ay nagbigay siya ng mensahe sa pamamagitan ng online stream kung saan binanggit niya ang mga programa ng city government na inilalapit sa taong bayan. Kasama dito ang mga pangunahing serbisyong kinakailangan ng mga barangay tulad ng libreng medical checkups at gamot, libreng dental services, social welfare services, assistance pang agrikultura, pag-aayos ng mga dokumento at legal services patungkol sa mga lupa at ari-arian, city ID at scholarship services, food services at marami pang iba. Nagpamahagi din ang Department of Agriculture ng mga binhi at mga fuel discounts sa mga magsasaka. At nagpaunlak din ng kanilang mga serbisyo ang iba pang kumpanaya tulad ng providers para sa libreng check up sa mata.
Sa kabuuan ay maraming nabigyan ng tulong kung kaya’t malaki ang pasasalamat ng mga taga Barangay San Antonio at ng karatig na mga barangay ng San Francisco at Faustino.
#unakadito #cityhallonwheels #proudcauayeño #cauayancity #unakaditocaravan