Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

Una Ka Dito Caravan Brings Government Services to Barangay Villa Concepcion Community Center

Naghatid ng libreng serbisyo ng gobyerno ang Una Ka Dito Caravan, Cauayan City Hall on Wheels sa Brgy. Villa Concepcion Community Center nitong Marso 2. Sakop nito ang mga sumusunod na barangay: Villa Concepcion, De Vera, Rogus, Sta. Maria, at Villa Flor. Kabilang sa mga serbisyong dinala sa mga tao ay ang libreng gamot, medical at dental check-ups, social welfare assistance, libreng legal services, libreng estimation of property value, scholarship assistance, city ID assistance at marami pang iba.
Kabilang sa mga highlight ng UKD Caravan na ito ang pagbibigay ng ding cash check na P10,000 Pesos kay Mr. Andres R. Viernes, 91 taong gulang ng Brgy. Devera at ang pagbibigay ng wheelchair sa mga PWDs mula sa Brgy. Villa Concepcion na sina Jeric Esteba, Benito Sarandi and Bernardo Corpuz.
Nagsimula ang Una Ka Dito Caravan sa Padyak para sa Kalusugan ni Mayor JC Dy na nagbisikleta kasama ng kanyang grupo papunta sa Barangay Villa Concepcion.
Nais naming magpasalamat kay Mayor JC at City Officials, sa LGU Employees Caravan Team at sa mga Barangay Officials sa pamumuno ni Kap. Homer Dela Cruz.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #unakaditocaravan #ukdcityhallonwheels