Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

Una Ka Dito Caravan Goes to Barangay Guayabal

Nitong Pebrero 24 nagpunta ang Una Ka Dito Caravan, Cauayan City Hall on Wheels sa Barangay Guayabal Community Center upang maghatid ng libreng serbisyo sa mga sumusunod na barangay: Baringin Norte, Baringin Sur, Duminit, Daburab, Gagabutan at Guayabal. Kabilang sa mga serbisyong dinala sa mga tao ay ang libreng gamot, medical at dental check-ups, social welfare assistance, libreng legal services, libreng estimation of property value, scholarship assistance, city ID assistance at marami pang iba.
Nagsalita si Mayor JC DY via zoom para ipaliwanag ang mga serbisyong hatid ng Una Ka Dito Caravan sa mga tao. Nais din naming magpasalamat sa mga mga dumalo na barangay officials sa pamumuno ni Kapitana Daisy Marribay.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #serbisyonglagingreaDY