Inilunsad sa ICON nitong Oktubre 7 ang home-grown school feeding program ng United Nations para sa mga batang mag-aaral sa Cauayan.
Pinasalamatan ni Mayor Jaycee Dy ang United Nations World Food Programme at ang Country Director nito na si Mr. Regis Chapman sa pagpili sa Cauayan bilang unang lungsod sa Luzon na mag-implement nito. Ang feeding program na ito ay malaking tulong upang madagdagan ang nutrisyon ng mga batang mag-aaral sa Cauayan, particular ang 1,792 na magaaral ng Cauayan North Central School na School Recipient ng programa.
Ang two-year feeding program na ito ay magbibigay ng kinakailangang nutrisyon sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain upang makamit ang “zero hunger” sa lokalidad.
Ito ay isang collaborative program mula sa lahat ng stakeholders tulad ng: DepEd, ISU, Rotary Club of Cauayan, Provincial Government of Isabela at LGU Cauayan kasama ang UN World Food Programme.
Kabilang sa mga dumalo sa paglunsad ng programa ang sumusunod:
• Mr. Regis Chapman, World Food Program Country Director
• Mayor Jaycee Dy and City Officials
• DepEd- headed by Regional Director Benjamin Paragas
• Dr. Cherry Ramos- Schools Division Superintendent
• Isabela State University headed by Dr. Ricmar Aquino
• Cauayan North Central School Teachers
• Rotary Club of Cauayan headed by Mr. Christopher Macadangdang, President
• Provincial Government of Isabela represented by Mrs. Maryrose Nicasio,
• Social Welfare Officer III
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño