Kids, ito na ang chance ninyong humiling ng regalo kay Santa Clause. Isulat ang inyong munting hiling sa isang papel kasama ang inyong pangalan, eksaktong tirahan, edad, pangalan ni Mommy at Daddy at contact number at ihulog sa "WISH KO NGAYONG PASKO" drop box na matatagpuan sa Information Desk ng Cauayan City Hall at sa Santa's Booth sa harapan ng City Hall... Tandaan na ang inyong hiling ay maaaring para sa inyong sarili, pamilya, kapatid, kaibigan o kapitbahay. Sulatan lamang si Santa Clause at hilingin ang mga bagay na ninanais nyo ngayong araw ng pasko...
Ang masuwerteng kahilingan ay pipiliin at tutuparin ng mga may ginintuang puso sa pakikipagtulungan ng Cauayan City Tourism Council. Maaari nang dalhin ang inyong mga sulat kahilingan at ihulog sa ating WISH KO NGAYON PASKO drop box. Malay mo, baka ikaw na ang susunod ka dadalawin ni Santa Clause ngayon pasko.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa City Special Events Office at hanapin si Kuya Reigh o magsadya sa tanggapan ng City Tourism Officer at hanapin si Ate Maribel... O, ano pa'ng hinihintay nyo mga bata, halina at sumulat na kay Santa Clause...