Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection sa pamumuno ni FCINSP Nelson P. Bilowan, Jr. ang flag ceremony nitong Marso 11 sa Cauayan City Hall Grounds.
Kabilang sa highlights ng ceremony ay ang pagpapakita ng BFP kung paano apulahin ang sunog kung mayroong emergency. Ipinakita rin nila ang kanilang angkop na mga uniporme sa iba’t-ibang okasyon.
Ginawaran rin nila ng mga certificates ang mga mag-aaral na sumali sa kanilang mga aktibidad sa pag-obserba sa Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.
Sa parehong ceremony, si Mrs. Nerissa Serrano, ang City Civil Registrar, ay nagprisita ng Plaque of Appreciation na ginawad ng Philippine Statistics Authority sa Cauayan City bilang 3rd Place sa Extra Large Category (Provincial Level) in Performance and Delivery of Civil Registration Services 2, at Top 1 sa Civil Registry Document Submission.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño #firepreventionmonth