Republic of the Philippines

City of Cauayan

  • Philippine Standard Time

Liga ng mga Barangay Hosts Valentine Bloodletting Activity

Matagumpay ang ginawang bloodletting activity nitong Pebrero 12 sa F.L. Dy Coliseum ng Liga ng mga Barangay sa pamumuno ni LNB President Victor H. Dy Jr.
Mula sa 198 registrants na nag volunteer bilang blood donors ay nakalikom ng 108 bags ng dugo. Karamihan sa mga donors ay mga taga-barangay na sinamahan ng kani-kanilang mga punong barangay, mga miyembro ng PNP at mga private individuals.
Kasama sa bloodletting activity ang Philippine Red Cross, Province of Isabela Chapter, sa pamumuno ni Mr. Mark Oliver A. Alimuc, na taon-taong kasama ng Liga ng mga Barangay sa mga ganitong aktibidad.
Katuwang din ng Liga ng mga Barangay sa programa ang JCI Bamboo Chapter, Knights of Rizal, si Board Member Amador Gaffud, Vice Mayor Leoncio Dalin, Jr., DNF Ent., LGU ng Cauayan City, Rescue at Cdrrmo.
#cauayancity #unakadito #proudcauayeño